SA layuning tugunan ang pangangailangan na mapababa ang presyo ng bigas, matulungan at mga magsasaka at patatagin ang food supply system ng bansa, nagpahayag ng suporta si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mungkahi ng Department of Agriculture (DA) na magkaroon ng ganap na pagbabago sa National Food Authority (NFA).
“This proposal speaks to the unity of purpose among members of the House majority coalition: to prioritize the needs of ordinary Filipinos, especially the farmers who feed our nation and the consumers who struggle with rising food prices,” wika ng pinuno ng 306-strong House of Representatives.
“Ang mahal ng bigas, at ang pinaka-apektado ay ang karaniwang pamilyang Pilipino. The good news is that the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. is doing everything in its power to address this and this NFA revamp bill is one way to lower food prices, empower farmers and protect our consumers,” dagdag ni Romualdez.
“Kailangan nating tiyakin na may sapat na buffer stock ang gobyerno at may tulong na makakarating sa ating mga magsasaka,” diin niya.
Sa ilalim ng naturang panukala, ang NFA ay magkakaroon ng kapangyarihan na bumili ng palay base sa umiiral na fair farmgate prices, magkaroon ng mas matatag na buffer stocking system, at umaksyon laban sa pagsipa ng presyo ng bigas lalo na sa panahon ng kalamidad, gayundin ang labanan ang hoarding o market manipulation.
“Our farmers are our greatest resource. Hindi na dapat pinapayagan ang magsasaka na malugi. Dapat may kakampi sila sa gobyerno. Sa panukalang ito, makabenta sila ng palay sa presyong makatao,” ani Romualdez sa NFA revamp bill.
Isinasaad din sa draft bill ang paglalaan ng pondo para sa price supports, post-harvest facilities at mas magandang koordinasyon sa pagitan ng NFA at local governments, na sa pananaw ng House Speaker ay magbibigay katiyakan sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain sa community level.
“Rice is life for Filipino families. This measure will help ensure that no household goes hungry simply because rice becomes too expensive. Alam naman nating hindi sapat ang ayuda kung ang presyo ng bigas ay hindi kayang abutin ng ordinaryong mamamayan. Dito papasok ang NFA para magbenta ng bigas sa presyong abot-kaya,” paglalahad pa ni Speaker Romualdez.
“This is not just an NFA reform bill: it’s a social justice bill,” Speake. It puts the full weight of the state behind our farmers and ensures our people will not be left helpless when prices go up due to war, calamity, or market abuse.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
