PORMAL nang nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Eduardo Oban bilang bagong National Security Adviser, kasunod ng pagreretiro ni Eduardo Año.
Pagkatapos ,ami,pa, inatasan ng Pangulo si Oban ipagpatuloy ang mandato ng National Security Council — tutukan ang usaping depensa, pambansang seguridad at implementasyon ng mga polisiya sa seguridad.
Si Oban na miyembro ng Philippine Military Class of 1979 ay higit na kilala sa pamumuno sa Visiting Forces Agreement Commission.
Bahagi rin ng trabaho ng retiradong heneral ang pagpapalakas ng national security, pagbalangkas ng plano sa depensa, at inter-agency coordination tungo sa malaya, mapayapa at matatag na Pilipinas.
Abril 15 nang tanggapin ng Pangulo ang “resignation” ni Año.
