NAKATAKDANG isampa ng Office of the Ombudsman ang kasong plunder laban sa mga tinaguriang “master plunderers” sa likod ng kontrobersyal na flood control scandal.
Sa isang pulong-balitaan, ibinahagi ni Deputy Ombudsman Mico Clavano na kabilang sa kakasuhan ay ang isang dating Senate President.
Nang tanungin kung si Senador Francis Escudero ang kanyang tinutukoy, minabuti ni Clavano huwag muna magbanggit ng pangalan.
Bukod sa dating Senate President, kabilang rin aniya sa mga kakasuhan ng plunder ang ilang senador at 26 “cong-trator” sa Kamara.
Una nang lumabas ang ulat hinggil sa imbestigasyon ng Ombudsman kina Escudero at dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng flood control scandal.
