NAKATAKDANG kontrahin ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang hirit na hospital arrest ni dating House Speaker Martin Romualdez. Sa isang pulong-balitaan, partikular na tinukoy ni assistant Ombudsman Mico Clavano ang pananatili ni Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City. “The prosecutors will strongly oppose the motion. In fact, the prosecutors will ask that not just one doctor but a team of government doctors assess whether or not the illnesses declared need confinement or can be managed outside of the hospital,” wika ni Clavano. Para kay Clavano walang dahilan para manatili si Romualdez sa pagamutan kung kaya rin lang naman umano pangasiwaan ang gamutan saan man naroroon ang dating lider ng Kamara. Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng maanomalyang flood control projects ng pamahalaan. Ibinahagi rin ni Clavano ang binabalangkas na pormal na kahilingan ng mga prosecutors na ilipat si Romualdez sa “regular detention facility” tulad ng iba pang akusado sa kasong non-bailable. Lunes nang ihain ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang warrant of arrest kay Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center kung saan nakaratay ang kongresista bunsod ng mga umano’y karamdaman. Una nang nagpahayag ng pagtutol sa hirit na pananatili ni Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center. Para sa Kalihim, nas angkop na dalhin ang dating House Speaker sa PNP General Hospital sa Camp Crame para sa seguridad. Ani Remulla, higit na angkop at ligtas Sinabi naman ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Martes na hihilingin ng mga awtoridad sa Sandiganbayan na ilipat si Romualdez sa PNP General Hospital sa Camp Crame, Quezon City. Nagtakda ang Sandiganbayan ng pagdinig sa Huwebes upang tukuyin kung kailangan pang manatili ni Romualdez sa hospital arrest, kung saan inatasang dumalo ang dating Speaker. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Hatol na kulong kay Imelda, nilusaw ng Korte Suprema