TINATAYA sa P1.43 bilyong halaga ng e-cigarettes o vape ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa isang bodega sa Valenzuela City.
Ayon sa BOC, natuklasan sa inspeksiyon sa bodega sa Bagong Filipino Industrial Compound, M. Gregorio Street, Canumay West, Valenzuela City, ang nasa 14,000 kahon na naglalaman ng 1.4 milyong piraso ng 10ml disposable vapes na FLAVA.
Sinabi ni Commissioner Bien Rubio na ang halaga ay naa P1.43 bilyon at nasa P52 excise tax per 1 ml. ng e-cigarette o vape.
“Remember that we have an excise tax currently being imposed on tobacco products. That’s why the value of this operation ballooned to more than PHP1 billion. These kinds of activities do not only adversely impact our local tobacco industry, but it also takes away from the government a sizeable chunk of money that we can use for our infrastructure programs, social services,” sabi nito sa press statement.
Pinahintulutan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang operasyon sa pamamagitan ng Letter of Authority (LOA) na inisyu noong Oktubre 26 base na rin sa impormasyon na natanggap noong Oktubre 24.
“We received information that a warehouse in Valenzuela City is being utilized as storage of voluminous illegally imported e-cigarettes or vape products without proper payment of correct duties and taxes,” sabi pa ni Rubio.
Sinabi ni BOC Deputy Commissioner Juvymax Uy na bibigyan din ng sapat na panahon ang mga may-ari na magbigay ng kaukulang dokumento at ebidensiya ng pagbayad ng tamang buwis.
Sakaling walang maipakitang dokumento, posible silang maharap sa paglabag ng Customs Modernization and Tariff Act.