NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang iniulat na nawawalang Pinoy na mangingisda sa West Philippine Sea (WPS) kahapon, Oktubre 27.
Sinabi sa report na nangingisda ang mga ito sa Bulig Shoal / First Thomas Shoal nang mawalan ng gasolina ang kanilang bangka dahilan para mawalay ang mga ito sa kanilang mother boat na FB LANTIS ANDREI, dahil sa malakas na hangin.
Iniulat ng Naval Forces West ang insidente sa Coast Guard District Palawan para sa search and rescue (SAR) augmentation noong Oktubre 26.
Agad namang inilabas ng PCG ang BRP Sindangan (MRRV-4407) upang magtungo sa naturang lugar at matagumpay na nahanap ang dalawang mangingisda.