TUMATAGINTING na P25 dagdag-pasahe ang hirit ng mga tsuper kung ipipilit ng gobyerno na ipalit ang mga modern jeepneys sa mga nakagisnang makulay ng traditional jeep sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Katwiran ni Gregory Perez na tumatayong lider ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa Cebu City, hindi nila hangad na pasakitan ang mga pasahero.
Gayunpaman aniya, mapipilitan angg kanilang hanay na isulong ang pinakamalaking hirit na dagdag pasahero sa kasaysayan dahil hindi kakayanin ng mga tsuper bayaran ang mga modern jeepneys na nagkakahalaga ng P2.8 milyon kada ulit – kahit pa sa ilalim ng installment plan.
“Ang basehan namin, kailangan namin magbayad sa bangko ng hindi bababa sa P45,000 kada buwan,” ani Perez.
Sa taas aniya ng hulog sa bangko, walang ibang solusyon kundi itaas sa P40 ang minimum fare.
Agad naman tinabla ng Department of Transportation (DOTr) ang panawagang dagdag-pasahe.
Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, ang pwede lang maging basehan ng dagdag-pasahe at ang pagtaas sa presyo ng krudo.
