PUMALO NA P6.3 bilyon ang halaga ng pinsalang tinamo ng sektor sa agrikultura bunsod ng sabayang epekto ng panahon ng tag-init at El Niño phenomenon, ayon sa Department of Agriculture (DA)
Gayunpaman, minaliit ni Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa ang dagok na inabot ng mga magsasaka, kasabay ng giit na higit na mababa ang perwisyo ng El Niño ngayon taon kumpara sa naitala noong 2023.
Ayon kay de Mesa, nasa 60,000 ektarya ng mga sakahan lang ang apektado – malayo sa 120,000 ektaryang nakasaad sa isinagawang pag-aaral ng kagawaran.
Bagamat hindi aniya nila inaasahan ang paglobo sa halaga ng pinsala, nanindigan si de Mesa na malaking bentahe ang ginawang paghahanda ng ahensya at iba pang tanggapan ng pamahalaan sa aniya’y lawak ng apektadong sakahan.
Batay sa pinakahuling datos ng pamahalaan, nasa 276 lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang isinailalim sa State of Calamity.
