Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
PERSONAL na pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang groundbreaking ceremony ng Philippine Cancer Center (PCC), na hudyat sa pagsisimula ng konstruksyon ng isang 20-story cutting-edge medical facility na kumpleto sa pinakabago at modernong kagamitan para sa mga pasyenteng may kanser.
Para kay Romualdez, ang specialty cancer hospital ay patunay ng determinasyon ng administrasyong Marcos tuldukan ang pagpanaw ng mga cancer patients dahil sa kawalan ng kakayahan tustusan ang mahal at mahabang gamutan.
“Ito po ang misyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ang misyon na pinagtutulungan nating bigyan ng buhay ngayong araw,” pahayag ni Romualdez.
“This center is designed to be more than just a hospital. It is envisioned as a comprehensive sanctuary for diagnosis, treatment, research, and patient support – all under one roof. Our goal is to redefine cancer treatment in the Philippines, integrating the latest medical advancements and fostering collaboration among specialists to provide a world-class environment for our patients,” ayon pa sa lider ng Kamara.
“Hindi lamang natin bibigyan ng ospital ang mga may sakit ng kanser. Bibigyan din natin sila ng mga world-class na doctors at nurses na sasanayin natin at bibigyan ng kailangang suporta,” dugtong pa niya.
Ani Speaker Romualdez, magkakaroon din ng “housing facilities for relatives of cancer patients who are caring for them, and for doctors in the provinces who undergo training in the cancer hospital.”
“Magtatayo rin tayo ng mga dormitoryo para may tulugan ang mga kamag-anak na nag-aalaga sa mga maysakit. Tutulungan natin silang makabangon, kasama ang kanilang mga mahal sa buhay, sa harap ng hamon na dala ng sakit na ito,” paglalahad pa niya.
“Hindi lamang po gamot at alaga ang hatid ng ospital na ito para sa mga pasyente. Magiging training center din po ito at dormitoryo ng mga doktor natin galing sa mga malayong probinsya. Layon natin na maging eksperto rin ang ating mga doktor para makapang-gamot ng kanser pagbalik nila sa kanilang mga komunidad,” aniya pa.
Tiwala ang House Speaker na sa pamamagitan ng Cancer Center, maiiwasan na rin ang pagkasawi ng libo-libong Pilipino lalo’t ang naturang sakit ay itinuturing na pangalawa sa hanay ng mga nakamamatay sa karamdaman.
“Each year, thousands are diagnosed, and even more are left to battle without adequate support. This center is our response – to not only decrease mortality and morbidity but to also lessen the incidence of preventable cancers,” wika pa ng lider-kongresista.
“Our aim is to transform cancer from a death sentence into a manageable condition that, when detected and treated early, can be overcome. We want to ensure strategic alignment with national cancer control plans, make treatment more equitable, affordable, and accessible, and improve the overall experience of cancer care for patients and their families.”
Ani Romualdez, batid din niya ang problema ng mga pasyenteng may kanser, ang sakit ng loob na pinagdaanan ng pamilya lalo pa aniya’t marami siyang kaibigan, kasama sa trabaho at mga kadistritong nasa parehong sitwasyon.
“Hirap humanap ng ospital na abot-kaya. Kung ma-ospital man, walang matulugan ang mga kaanak na nagbabantay. Hindi alam kung saan kukuha ng pambayad para sa pagpapagamot,” saad pa niya.
“Together, let’s build a future where cancer is no longer a feared enemy, but a challenge that, with compassion, dedication, and innovation, we can overcome,” pagtatapos ng House Speaker.
