PARA kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, higit na angkop pasalamatan at ipagmalaki ng buong sambayanan ang pagtuturo ng Filipino language sa tanyag na Harvard University.
“Nakaka-proud na ituturo na ang Filipino language sa Harvard University at dapat itong ipagmalaki ng mga Pilipino,” taas-noong pahayag ni Romualdez.
“I firmly believe in promoting and preserving our Filipino identity, and this step by Harvard is a testament to that effort. Let’s embrace this moment of pride and unity for our country and our language,” dagdag pa House Speaker.
Giit ng lider ng Kamara, dapat din pagtuunan ng pansin ang mahalagang narating ng bansa – ang pagkakaroon ng kursong Filipino language sa respetadong American educational institution.
“This is a remarkable acknowledgment of our culture and heritage on a global platform,” mariin pahayag pa ng Leyte lawmaker.
“Gaya ng sinabi ni Mr. Jose Marco C. “Marcky” Antonio II ‘25, co-president ng Harvard Undergraduate Philippine Forum, ang atensyon dapat ay nakatuon sa pagdiriwang sa narating na pambihirang tagumpay na ito,” dugtong ni Romualdez.
Ayon pa sa lider-kongresista, kanyang kinikilala ang polisiya ng Harvard University kaugnay sa pagbibigay ng donasyon sa paaralan.
“In light of recent speculations regarding my alleged donation to Harvard University, I choose to respect the institution’s gift policy,” aniya pa.
“Harvard has already communicated that they ‘do not discuss the terms or specifics of individual gifts,’ and I stand by that principle,” pagtatapos ni Romualdez.