SA harap ng patuloy na pagsirit ng presyo ng bigas sa bansa, nagbabalak ngayon ang Pilipinas na mag-angkat ng bigas sa South America.
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Santiago Andres Cafiero, minister of foreign affairs, international trade and worship ng Argentina, may posibilidad umano na mag-import ang bansa ng bigas sa pulong na sa Palacio San Martin in Buenos Aires.
Hindi naman na nagbigay pa ng detalyadong impormasyon sa isyu ng pag-aangkat.
Ang Thailand at Vietnam ang nangungunang dalawang pinagkukunan ng imported na bigas ng bansa ngayong taon.