HALOS isang taon matapos tanggalin sa pwesto, balik-gobyerno si dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga.
Personal na pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ni Yulo-Loyzaga na itinalaga bilang Special Envoy for Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).
Sa isang pahayag, nagpasalamat umano ang Pangulo kay Yulo-Loyzaga sa pagtanggap ng bagong hamon sa larangan ng “disaster resilience management.”
Para kay Marcos, hindi na bago ang disaster resilience kay Yulo-Loyzaga na higit na kilala bilang eksperto sa usapin ng climate change.
Bago pa man ang pagbabalik sa gobyerno, nagsilbing Kalihim ng DENR si Yul-Loyzaga mula 2022 hanggang 2025, at naging director sa United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR) Alliance for Disaster Resilient Societies (ARISE) sa loob ng dalawang taon.
