ISINANTABI ng Palasyo ang ang pagtawag ng saklolo sa Estados Unidos sa bisa ng Mutual Defense Treaty na nilagdaan ng Pilipinas at Estados Unidos, sa kabila pa ng naganap na bakbakan sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy sa West Philippine Sea.
Katwiran ng Palasyo, hindi maituturing na armed aggression ang paggamit ng bolo at itak ng mga Tsinong sumampa sa barkong maghahatid sana ng pagkain, tubig at gamot para sa mga sundalong Pinoy na nakahimpil sa BRP Sierra Madre na nagsisilbing naval outpost ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Sa isang biglaang patawag ng mga mamamahayag, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na posibleng isa lang kaso ng hindi pagkakaintindihan ang insidente kung saan pitong sundalong Pinoy ang nasaktan, kabilang ang isang pinutulan ng hinlalaki.
“No, this was probably a misunderstanding or accident. We are not yet ready to classify this as an armed attack,” wika ni Bersamin.
“Mga nakita namin bolo, axe, and nothing beyond that,” dugtong ng opisyal ng Palasyo.
