MATAPOS umami ng kabi-kabilang batikos, na-obliga ang Office of the Ombudsman na imbestigahan ang alegasyon ng 18 dating sundalong aminadong naghatid ng male-maletang flood control kotong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kasama rin sa sisilipin ang mga iprinisintang ebidensya na nakapaloob sa mga salaysay ng mga dating miyembro ng Philippine Marines.
Sa isang kalatas, tiniyak ng Office of the Ombudsman sa publiko ang patas na trato at tugon sa mga natanggap na salaysay na isinumite sa Office of the Ombudsman ng isang Atty. Levito Baligod na tumatayong abogado ng mga dating sundalo.
Base aniya sa sinumpaang salaysay ng mga dating sundalo, sila mismo ang naghatid ng male-maletang pera para kina Pangulong Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez. (JULIET PACOT)
