
HINDI totoo ang palusot ng Chinese Coast Guard na pinahintulutan lang nila ang resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaya nakarating sa Ayungin Shoal ang mga sasakyang dagat ng Pilipinas na may dalang pagkain, gamot at iba pang pangangailangan ng mga sundalong Pinoy sa nakahimpil sa BRP Sierra Madre.
“That is not true that they just allowed the supply boats to enter Ayungin Shoal…They are lying when they said they are extending humanitarian consideration,” pahayag ni Commodore Jay Tarriela na tumatayong tagapagsalita ng PCG sa usapin ng West Philippine Sea.
Katunayan aniya, hindi naging madali sa resupply mission ang paglalayag sa West Philippine Sea kung saan di umano nakaabang ang apat na dambuhalang Chinese Coast Guard kasama ang apat pang militia vessels.
Kwento ni Tarriela, tinangka ng Chinese Coast Guard na harangin ang resupply mission subalit nalusutan nang magmaniobra ang kapitan dalawang chartered ships na Unaizah 1 at Unaizah 2 at dalawang sasakyang dagat ng Philippine Coast Guard – ang BRP Cabra at BRP Sindangan.
Ang Ayungin Shoal na bahagi ng lalawigan ng Palawan ay pasok sa 200-nautical mile Philippine exclusive economic zone (EEZ).
“Notwithstanding attempts by the Chinese coast guard and Chinese maritime militia vessels to block, harass and interfere with the supply mission, the Philippine supply ships Unaizah May 1 and Unaizah May 2, escorted by PCG vessels BRP Cabra and BRP Sindangan, successfully completed their mission,” ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea