TIGIL-NEGOSYO muna ang bababa sa 100 driving schools matapos suspindehin ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa hayagang pagsuway sa mga alituntuning nakasaad sa “theoretical driver’s training.
Sa isang kalatas, kinumpirma ni Assistant Secretary Vigor Mendoza na tumatayong LTO chief ang paglabas ng dalawang linggong suspensyon sa mga driving schools sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon dahil sa iba’t ibang paglabag.
“We have already suspended around 107 driving schools just in the last two weeks,” wika ni Mendoza.
Karamihan aniya sa mga sinuspinde yaong ng driving schools na hindi sumusunod sa tamang theoretical driver’s training.
Pagtitiyak ng opisyal, patuloy ang isasagawang paglilinis ng ahensya mga “stakeholders” na tanging hangad lang ay kumita kesehodang malagay sa peligro ang mga lansangan dahil sa kawalan ng tamang kaalaman at sapat na kasanayan ng mga nagmamaneho sa kalsada.
