ISANG panibagong insidente ng panunuwag ng China sa mga sasakyang dagat ng Pilipinas ang naitala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Sandy Car na nasa loob ng 300-nautical mile Philippine exclusive economic zone.
Sa ulat ng BFAR, nasa routine mission sa West Philippine Sea (malapit sa Sandy Cay) ang BRP Datu Sanday dakong alas 9:30 ng umaga nang bundulin ng Chinese Coast Guard (CCG) at saka pwersahang itinaboy gamit ang water cannon.
Kabilang anila sa mga nalagay sa panganib ang isang grupo ng mga eksperto na kasamang a paglalayag sa naturang bahagi ng West Philippine Sea bilang bahagi ng marine scientific initiative.
“At approximately 0913H, CCG vessel 21559 water cannoned and sideswiped the BRP Datu Sanday (MMOV 3002) twice, resulting in some damage to the latter’s port bow and smokestack, and putting at risk lives of its civilian personnel onboard,” saad ng BFAR.
“This incident marks the first time water cannons have been used against DA-BFAR research vessels in the area of the Pag-Asa Cays,” dagdag pa ng ahensya.
Samantala, inisi naman ng Chinese Embassy na nakase sa Maynila, ang BFAR dahil sa pagpasok sa karagatang bahagi ng bansang China.
