HABANG abala ang sambayanan sa pagtutok sa paglilitis ng Senado kay Vice President Sara Duterte, unti-unti nang gumagapang ang oposisyon bilang paghahanda sa 2028 presidential election.

Bilang pambungad, target ng mga kaalyado ni Vice President Sara Duterte sa Kamara “agawin” ang liderato ng partidong Lakas-CMD na pinamumunuan ni dating House Speaker Martin Romualdez.

Partikular na tinutulak ng mga pro-Duterte congressman si former President at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na pamunuan ang Lakas-CMD na kabilang sa mga partidong tumulong sa kandidatura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong 2022 presidential derby.

Gayunpaman, natunugan ng administrasyon ang napipintong pag-angat ng impluwensya ni Arroyo matapos dakpin at ikulong si Romualdez kaugnay ng kasong plunder.

Bilang tugon, linisan ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasunod ng paglisan sa PFP, sumapi ang batang Marcos sa Lakas-CMD.

Sa datos ng Kamara, bumaba sa 62 kongresista na lang ang miyembro ng Lakas CMD. Bago nakulong si Romualdez mahigit 100 ang kasapi ng partido.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *