November 12, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

PINAS BUMIGAY, ONE-CHINA POLICY KINILALA

NI CELINE FERNANDEZ

TALIWAS sa posisyon ng Estados Unidos ang desisyon ng Pilipinas na patuloy na igagalang ang One China Policy kung saan tanging ang mainland China ang kikilalaning bansa. 

Sa bilateral meeting na ginanap kamakilan sa lungsod ng Maynila, nagpahiwatig ng pagtalima si Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo sa harap ni Chinese Foreign Minister Qin Gang.

“Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo reaffirmed the Philippines’ adherence to the One China Policy, while at the same time expressing concern over the escalating tensions across the Taiwan Strait,” saad ng DFA sa isang pahayag, sa kabila pa ng pakikipagkasundo ng Pilipinas sa bansang Estados Unidos.

Bago pa man ang pagbisita ng Chinese Foreign Minister, lumikha ng kontrobersya si Chinese Ambassador Huang Xilian kaugnay ng babala sa di umano’y pakikisawsaw ng Pilipinas sa hidwaan sa pagitan ng Taiwan at China.

Partikular na tinukoy ni Huang ang pangamba ng China na magamit ng Estados Unidos ang mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pakikialam sa namumuong tensyon sa Taiwan Strait.

Paniwala ni Huang, hindi malayong samantalahin ng mga Amerikano ang kasunduang EDCA sites  sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela (sa norte) para isulong ang aniya’y “geopolitical interest” ng US. 

Paglilinaw ni Manalo, mananatiling walang kinikilingan ang polisiya ng administrasyon 

“Our foreign policy will remain as is. It would only be seeking stability and prosperity in the region,” ani Manalo, kasabay ng giit na hangad ng Pilipinas ang umunlad sa paraan ng pakikipagkalakalan sa mga karatig bansa – kabilang ang China.

“The tripling of our total bilateral trade within the past decade is a positive development. The Philippines looks forward to the early realization of the USD22.8 billion business and investment pledges made during the state visit of President Marcos to Beijing.”