Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
PARA kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, isang magandang senyales na nagpapahiwatig ng magandang bukas ang naging pagtaya ng World Economic Forum para sa bansang Pilipinas.
Ayon kay Romualdez, higit na angkop na pagsikapan, ingatan at pagyamanin ng pamahalaan ang “$2-trillion economy” na inaasahang darating sa mga susunod na taon, batay na rin sa economic forecast ni WEF President Børge Brende
Kumbinsido riin ang lider ng Kamara na hindi malayong makahanay na rin ang Pilipinas sa mga bansang tulad ng Canada, Italy at Brazil.
“The projections shared by WEF President Børge Brende reflect a significant milestone in our nation’s journey towards economic prosperity. This growth is not just a statistic; it represents a transformative shift in the lives of our citizens,” wika ni Romualdez.
“Our path to this economic milestone is founded on strategic investments that enhance the well-being and opportunities for our people. It’s about creating an environment where every Filipino can thrive,” dagdag ng House Speaker, na binigyan-diin ang kahalagahan na magkaroon ng patuloy at aktibong pamumuhunan sa sektor ng edukasyon, imprastraktura at sa tinatawag na workforce development.
Hirit pa ng lider-kongresista sa sinasabing pag-abot ng ekonomiya bansa tungo sa trillion-dollar mark at paglakas ng purchasing power, tiwala siyang maabot ng 7 hanggang 8 percent annually growth, na bigong makuha ng Pilipinas sa nakalipas ng isang dekada.
Pinapurihan naman ng Leyte lawmaker ipinatutupad na fiscal strategy ng pamahalaan at ang pagkakaroon ng matatag na ekonomiya dahilan upang mas maging kaakit-akit ang Pilipinas mula sa mga dayuhang pamumuhunan.
“Our economic stability and growth prospects have not only attracted international investors but also paved the way for job creation and entrepreneurial ventures across the country,” diin pa ni Speaker Romualdez.
Kinilala rin ng punong mambabatas ang mahalagang papel na ginagampanan ng Kongreso – partikular ang pagsusulong ng mga kinakailangang batas na makakatulong at may kaugnayan sa pagsisikap na maabot ang kaunlaran at katatagan ng ekonomiya ng bansa, kabilang na ang pagbubukas ng bansa sa mga dayuhang kapitalista.
“We are committed to creating a more dynamic economic environment by amending the economic provisions of the 1987 Constitution, which have long restricted foreign investments. Our aim is to foster an inclusive economy where growth benefits every Filipino,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
“By liberalizing our economy, we are not just attracting foreign capital but also integrating the Philippines more fully into the global market, which in turn will spur innovation, enhance competitiveness, and create a multitude of opportunities for our people.”
