NANINDIGAN ang Korte Suprema sa batas na nagtatakda lang ng isang taong prescriptive period para sa kasong cyber libel.
ay may prescriptive period na isang taon mula sa petsa ng pagkakadiskubre ng kaso.
Sa resolusyong akda ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting, ibinasura ng Korte Suprema ang magkahiwalay na motion for sa reconsideration na inihain ni
Cotabato Second District Representative Ferdinand Hernandez laban kay Berteni Cataluña Causing.
Nag-ugat ang kaso sa reklamong cyber libel na isinampa noong 2020 ni Hernandez laban kay Causing kaugnay ng mga Facebook post noong 2019.
Nilinaw ng Korte Suprema na ang cyber libel ay hindi hiwalay na krimen kundi isang anyo ng libel na inilabas sa internet. Anang Korte Suprema, nananatiling isang taon ang prescriptive period alinsunod sa Revised Penal Code.
Iginiit din ng kataas taasang hukuman, nagsisimula ang bilang ng prescriptive period mula sa pagkakadiskubre ng krimen at hindi sa petsa ng publikasyon.
Binigyang-diin ng hukuman na kapag hindi malinaw ang batas sa prescription ng krimen, dapat bigyang-kahulugan pabor sa akusado.
Tinanggihan din ng Korte Suprema ang argumento na dapat umabot sa 15 taon ang prescriptive period ng cyber libel sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act, at iginiit na hindi ito awtomatikong naaangkop.
Samantala, nagpahayag naman ng kagalakan si Causing sa naging resolusyon ng Korte Suprema.
Para kay Causing, ang desisyon ng Korte Suprema ay tagumpay para sa kalayaan sa pagpapahayag ng pananalita at pamamahayag sa parehong pangunahing stream at social media.
