WALANG dahilan para magtago si former presidential spiritual adviser Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa kabila ng kabi-kabilang kaso at kinasasangkutan kontrobersiya, ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla.
Ayon kay Remulla, wala rin basehan ang paratang ng KOJC founder hinggil sa di umano’y planong paghahandog ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos ng kanyang ulo kapalit ng $2 milyon.
Wala pa rin naman aniyang natatanggap na anumang extradition request ang kagawaran mula sa Estados Unidos kung saan patong-patong na asunto ang isinampa laban kay Quiboloy – kabilang ang money laundering, sex at labor trafficking.
“We are awaiting the request of the US government on this matter and it has to pass through a lot of channels also within the US government,” wika ni Remulla.
Pag-amin ng DOJ chief, prayoridad ng departamento ang pagrerebisa ng mga kasong rape at cyberlibel na kinakaharap ni Quiboloy sa bansa.
Di pa rin aniya naglalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order ang Bureau of Immigration.
“Wala pa. Kasi wala pa sa amin ang preliminary report. There was an initial letter but it will take more than a letter for us to issue an order,” dagdag pa niya.
Pasok si Quiboloy sa Most Wanted List na inilabas ng Federal Bureau of Investigation.

Karagdagang Balita
Pork barrel scam: Enrile abswelto sa Sandigan
Reklamo laban sa mga gov’t officials tapos sa 60 araw?
Kaso vs. DPWH officials swak na sa Ombudsman