
KUNG may karapatan at kapangyarihan ang Senado maglabas ng subpoena kaugnay ng “Senate investigation in aid of legislation,” gayundin ang Kamara de Representantes, ayon kay House Deputy Speaker David Suarez.
Sa isang pahayag, partikular na pinasaringan ni Suarez ang patutsada kamakailan ni Senador Robin Padilla hinggil sa aniya’y pamimilit na papuntahin si dating presidential spiritual adviser Pastor Apollo Quiboloy sa pagdinig ng House Committee Legislative Franchises kaugnay ng usapin sa pagmamay-ari ng Sonshine Media Network International (SMNI).
Una nang hinamon ni Padilla ang Kamara na magsampa na lang ng kaso laban kay Quiboloy imbes na pwersahin ang religious leader na dumalo sa pagdinig ng Kongreso.
Ayon pa kay Padilla, mas mainam na sa korte na lang humarap si Quiboloy lalo pa’t aniya’t sa husgado lang makakatiyak ang kontrobersyal na pastor ng isang patas na paglilitis.
“I think we need to respect the legislative processes of both the Senate and the House. It is the prerogative of the committee to determine and to invite resource persons so that proper legislations can be enacted,” ani Suarez sa isang pulong balitaan sa Kamara.
“Meron po kasing usapin doon sa ownership at ang lumalabas doon sa Swara Sug, si Pastor Apollo Quiboloy ay tumatayong may-ari nong Swara Sug. But apparently nagkaroon ng pagbabago sa ownership, kaso lang hindi maayos na maipaliwanag ng mga representatives ng SMNI kung papaano po nangyari ito,” paliwanag pa ng kongresista.
Hirit ni Suarez, bigo ang mga kinatawan ng SMNI na sagutin ang mga katanungan hinggil sa pagkakakilanlan ng tunayy na mag-ari ng SMNI.
“Ang hinahanap lang po ng komite ng franchise, pumunta po siya dito para sagutin po ‘yong katanungan ng mga miyembro ng komite ng franchise, wala naman po tayong pinag-uusapan na kaso, so bakit natin kailangang dalhin sa korte?”
“Ang issue lang po dito ay pumunta po siya dito dahil inimbitahan po siya, sinubpoena po siya para maipaliwanag niya po yung problema ng Swara Sug at ng SMNI sa Mababang Kapulungan.”
What’s up Dear, are you truly visiting this web page on a regular basis, if so
after that you will definitely take fastidious know-how.
Stunning story there. What happened after? Thanks!