BAHAGYANG maiibsan ang pasakit na pinapasan ng mga motorista sa bisa ng isang rollback sa mga produktong petrolyo pagsapit ng araw ng Martes.
Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, maglalaro sa P140 hanggang P1.70 kada litro ang tatapyasin sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Nasa 90 sentimos hanggang P1.20 naman kada litro ang posibleng tapyas-presyo sa krudo na karaniwang gamit ng mga pampubliko sasakyan.
Pasok din sa rollback ang kerosene na inaasahang mababawasan ng P1.50 hanggang P1.50 kada lito.
