Ni ESTONG REYES
Inihain ni Senador Loren Legarda ang isang panukalang batas na naglalayong gawing regular ang mga opisyal ng barangay kabIlang ang sangguniang kabataan bilang government employees na tamang sweldo at komprehensibong benepisyo.
Sa ilalim ng inihaing Senate Bill 2786 (Regularization of Barangay Officials Act), target ni Legarda ang katatagan at kainaman sa barangay governance.
“We want our barangay officials to receive the same full benefits that other government workers enjoy, giving them the peace of mind they deserve — especially after serving their communities,” ayon kay Legarda sa isang pahayag.
Saad sa panukala ni Legarda gawing regular na kawani ng gobyerno ang halal na opisyal ng barangay – kabilang ang chairman, mga miyembro ng sangguniang barangay aat maging ang mga lider kabataan sa ilalim ng Sangguniang Kabataan (SK).
Pasok din sa naturang panukala ang barangay secretary, at barangay treasurer sa talaan ng mga target bigyan ng fixed salary, allowances, sakop ng Government Service Insurance System (GSIS), PhilHealth at Pag-IBIG coverage, kabilang ang iba pang fringe benefits bilang regular government employee alinsunod sa Civil Service rules and regulations.
Sakaling maisabatas, makakatanggap ng sahod ang barangay chairman ng katumbas ng isang city/municipal councilor; sangguniang barangay members tatanggap ng 80 percent sahod ng chairman, habang 75% naman sa SK chairperson, barangay secretary, at treasurer.
“The most basic unit of local government must be incentivized for their efforts for their public service, as they usually are the most tangible persons of the State many residents see,” ayon kay Legarda.
“Their dedication to public service deserves fair and regular compensation,” aniya pa.
