TATLONG pangalan ang pinagpipilian ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa lilisaning pwesto ni outgoing Department of Education Secretary Vice President Sara Duterte – mga personalidad na nagsipagtapos sa University of the Philippines.
Kabilang sa mga lumutang na pangalan sina Marikina Rep. Stella Quimbo, Senador Sonny Angara at Trade Secretary Alfredo Pascual.
Gayunpaman, agad na tinabla ni Quimbo ang di umano’y alok na pwesto sa gitna ng paghahanda sa kandidatura para sa lokal na posisyon ng lady solon.
Bukod kay Quimbo, usap-usapan din sina Angara at Pascual na pwedeng humalili kay Duterte na una nang nagbitiw bilang DepEd Secretary. Nasa huling termino na bilang senador si Angara.
