Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
TALIWAS sa mga haka-hakang pagkakalansag ng UniTeam, nanindigan ang bagitong kongresista mula sa Mindanao na nananatiling malakas ang pwersang nagbigay tagumpay sa tambalang Marcos-Duterte noong 2022 national and local elections.
“Buhay na buhay ang Uniteam sa Tagum City, Davao del Norte!,” bulalas ni Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario na tumatayong vice-chairperson ng House Committee on Mindanao Affairs.
Katunayan aniya, hindi biro ang bilang ng mga kongresista sa 2-day Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa nasabing rehiyon kung saan umabot sa 167 mambabatas ang dumalo.
“What we have seen is an unprecedented show of unity among lawmakers for a program that highlights our commitment to bringing essential government services directly to the people, ensuring that no Filipino is left behind,” wika ni Almario.
“The fair in Davao del Norte is a testament to the Marcos administration’s dedication to serving its citizens and the efforts of the House of Representatives under Speaker Romualdez in fostering national development through direct engagement and support,” dugtong ng mambabatas.
Sa pambungad na seremonyang kalakip ng ng serbisyo caravan sa Tagum City noong nakaraang Biyernes, naitala ang pinakamalaking bilang ng mga kongresistang personal na nagpakita ng suporta sa programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez.
Kapansin-pansin din aniya ang presensya ng dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo, na nagpahayag din ng kagalakan at papuri sa implementasyon ng BPSF sa tinawag niyang angkop na programang tugon sa masa.
Sa ilalim ng naturang programa, nagkakaloob ang administrasyon – sa inisyatiba na rin ni Romualdez – ng tulong pinansyal, kabuhayan at iba pang serbisyo.
Sa davao del Norte pa lang ani Almario, hindi bababa sa P913 ,ilyon ang katumbas na halaga ng naipamahaging tulong at serbisyo sa 250,000 residente ng nasabing rehiyon – at pinakamarami mula nang umarangkada ang serbisyo caravan.
Samantala, binigyan-diin ni Zambales Rep. Doris “Nanay Bing” E. Maniquiz ang kahalagahan ng serbisyo caravan kung saan aniya direktang ibinibigay sa mga mamamayan ang tulong mula sa pamahalaan.
“The BPSF showcased how legislative policies on the national budget, especially the ones for ‘ayuda’ are effectively translated into tangible benefits for the people,” pahayag ng lady solon mula sa Zambales.
“This gathering marks the largest attendance of House members at a BPSF event, underscoring the significance of unity and cooperation in achieving our national goals. Our presence in Davao del Norte not only demonstrates our support for the program but also our commitment to public service and community engagement,” aniya pa.
