Ni JAM NAVALES
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si House Committee on Health Vice Chairperson at AnaKalusugan partylist Rep. Ray Reyes sa naitalang pagtaas ng bilang ng e-cigarette or vape-associated lung injury (EVALI) cases sa bansa – partikular sa hanay ng mga kabataan.
Apela ni Reyes sa mga kapwa mambabatas, agarang baguhin ang Republic Act 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act) partikular sa probisyon nagbigay sa Department of Trade and Industry (DTI) ng regulatory power sa bentahan ng vape sa merkado.
Para kay Reyes, Food and Drug Administration (FDA) ang angkop na ahensya para magregulate – “We’ve been warning everyone for years on the mistake of putting the vape law under DTI supervision. Two years lang ang lumipas and now we see the consequences of it,” himutok ng ranking House official.
“We need to revise the IRR to return vape products to DOH (Department of Health) and FDA instead of DTI,” dugtong niya.
Base sa report ng Philippine College of Chest Physicians, patuloy na tumataas ang EVALI cases sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
EVALI, paliwanag ng AnaKalusugan partylist lawmaker, ay isang uri ng medical condition kung saan nasisira ang baga ng isang indibidwal na regular na gumagamit ng vaping products.
“While these products are usually branded as a safer alternative to cigarettes, they still pose many health risks,” sabi pa ni Reyes.
Ikinababahala rin ng kongresista ang pagtaas sa bilang ng mga teenager na gumagamit ng vape kung saan sa Global Youth Tobacco Survey ay lumalabas na 14 percent ng mga Pilipino o isa sa bawat pito na may edad 13 hanggang 15 taong gulang ay nahuhumaling na umano ng e-cigarettes.
Patunay rin nito ang ulat ng Philippine National Police (PNP), para sa panahong saklaw ng Mayo hanggang Disyembre ng nakalipas na taon, mahigit sa 8,600 minors ang nahuli dahil sa paglabag sa vaping at smoking laws.
“It is very alarming that more and more Filipino youth are using vape and e-cigarettes,” malungkot na pahayag pa ni Reyes.
“We should double our efforts in enforcing smoking and vaping laws, especially for minors,”
