Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
HINILING ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga opisyal at miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) na tumulong sa masusi at patuloy na kampanya para labanan ang pagkakalat ng fake news, misinformation, at disinformation partikular na sa social media.
Sa kanyang talumpati kasabay ng ika-51 anibersaryo ng KBP na may temang “Empowering People’s Voices and Aspirations,” pinuri ni Romualdez ang mahigit sa limang dekada na katangi-tanging serbisyo sa bayan ng naturang organisasyon.
“We recognize its indispensable role in our democracy – as a reliable source of truth and a facilitator of informed public discourse … your role as custodians of truth is imperative in countering misinformation and upholding the public trust,” ang pahayag pa ni Romualdez, lider ng 300-plus-strong House of Representatives.
“I commend the KBP for maintaining rigorous standards of truthfulness and fairness. Your unwavering commitment to these values showcases the best of Filipino broadcasting and fortifies our democratic foundations,” dagdag ni Romualdez.
Para sa lider ng Kamara, malaking banta ang pagkakalat ng ‘fake news, mali at hindi makatotohanang impormasyon kung saan maging ang integridad ng pamahalaan ay nalalagay sa alanganin.
Isang halimbawa aniya ang pagkalat ng video, na gamit ang deepfake technology, kung saan pinalabas na inatasan umano ni President Ferdinand Marcos Jr. ang militar na gumawa ng kaukulang aksyon laban sa partikular na bansa.
Agad din naman nagpalabas ng babala ang Presidential Communications Office (PCO) sa publiko hinggil sa fake video kasabay ng pakikipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang ahensya ng pamahalaan para tugisin ang nasa likod ng tangkang panggugulo.
Ayon kay Romualdez, sa mabilis na pagbabago sa larangan ng teknolohiya kung saan ang media mula sa traditional platforms ay mabilis na nakakapag palaganap ng impormasyon.
Bunsod nito, mayroon aniyang malaking papel at responsibilidad na ginagampanan ang mga brodkaster para mapanatili ang integridad ng media at aktibong makibahagi sa paglaban sa fake news.
“As you navigate these shifts – where liquid crystal displays have taken over cathode ray tubes, and digital content challenges traditional primetime – I urge you to remain steadfast,” aniya pa.
Samantala, mariing kinondena ng mga namumuno sa tinaguriang “Young Guns” sa Kamara ang fake video na ito ni Pangulong Marcos sabay hirit ng anggkop na hhakbangg mula sa kinauukulan ahensya ng gobyerno.
Kapwa iginiit nina House Assistant Majority Leaders Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur), Paolo Ortega (La Union), at Jay Khonghun (Zambales) ang kahalagahang maging mapagmasid ang publiko laban sa mga maling impormasyon at kahandaan labanan ang pagpapakalat ng fake news.
“This audio deepfake is not just a fabrication; it’s a dangerous attempt to manipulate public perception and incite unwarranted actions. We cannot allow such malicious tactics to undermine the trust in our institutions,” ang sabi pa ni Adiong.
“We must stand united in condemning these deceitful acts and demand accountability from those who seek to deceive the Filipino people,” ang hirit naman ni Ortega said.
“We stand at a pivotal moment in our fight against digital manipulation. We must act decisively to safeguard the sanctity of truth and protect our democracy from those who seek to undermine it,” saad naman ni Khonghun.
Nagpaabot din ang “Young Guns” ng pakikiisa at buong pagsuporta nito sa PCO, maging sa iba pang concerned institutions sa hangaring sugpuin at panagutin ang nasa likod ng mga mapanira at malisyosong impormasyon
