
KINASELA ng Commission on Elections (Comelec) ang special poll sa Disyembre 9 para sa ipapalit sa pinatalsik na kongresista Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Ito ay matapos ipatupad ang resolusyon ng Kamara na humihiling sa Comelec na isaalang alang ang kasalukuyang kalagayan sa seguridad ng probinsiya.
Ipinunto ng Kamara ang petisyon ni Teves na kumukuwestiyon sa pagpapatalsik sa kanya at ang nakabimbin na diskwalipikasyon ng mga nanalong Barangay and Sangguniang Kabataan candidates sa rehiyon.
Sinabi pa na ang pagsasagawa ng special election ay posibleng mayroong negatibong kaganapan sa peace and order situation” hindi lamang sa teritoryo ni Teves kundi maging sa mga lugar malapit dito.
Sinabi ni Comelec Chair George Garcia ang nagdesisyon ang Comelec en banc na ipatunapad na lamang ang rekomendasyon na ikansela ang special elections.
Sinabi ni Garcia na aatasan ang mga tauhan sa Negros Oriental at kaalyado roon na ipatigil ang preparasyon dahil hindi na matutuloy ang eleksiyon.
Idinagdag nito na may kapangyarihan ang Kamara na magpatawag ng special election ay may kakayahan ding ipatigil ito.
“The Comelec will just implement the mandate of the House of Representatives in this respect,” sabi pa ni Garcia.