SIYAM katao ang pumuga sa MPD-Police Station 1 kung saan tatlo na ang nadakip muli, ayon kay MPD Dir. Col. Arnold Thomas Ibay.
Patuloy namang pinaghahanap ang iba pang bilanggo na kapwa may mga kasong illegal drugs, illegal possesion of firearms at mga may warrant of arrest.
Ayon sa MPD, ang nasabing mga preso ay mga persons under PNP custody (PUPCs) na kapwa inmates ng MPD-Station 1.
Nangyari ang insidente kaninang ala-1:30 ng madaling araw kung saan siyam ang nakatakas.
Ayon kay Ibay, sinira ng mga preso ang parte ng bakal ng kulungan kaya’t isa-isa ang nakatakas.
Agad naman ni-relieve sa pwesto ang duty desk officer at mga bantay na pulis.
Patuloy pang tinutugis ang iba pang nakatakas habang patuloy a ng imbestigasyon sa kung paanong nakatakas ang mga preso.