SALUNGAT sa pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Jose Melencio Nartatez ang kwento ng mga operatibang inatasang magsilbi ng mandamiento de arresto sa isa sa tatlo pang suspek na pinaniniwalaang may kinalaman sa pamamaslang sa brodkaster na si Percy Lapid noong 2023.
Ayon kay Nartatez, pinili ng 40-anyos na si Jake Mendoza na barilin na lamang ang sarili kesa sumuko sa mga pulis na bahagi ng isang operasyon sa Barangay Lumbang, Lipa City sa lalawigan ng Batangas.
Gayunpaman, hindi kumbinsido si dating National Press Club President Roy Mabasa, nakababatang kapatid ni Lapid, sa giit ni Nartatez.
“It appears that everyone who could speak out about the case of the late broadcaster Percy Lapid is either being silenced or has died under mysterious circumstances,” wika ni Mabasa sa kanyang Facebook post.
Iba rin ang kwento ng ilan sa mga mismong operatiba batay sa balitang lumabas na balita sa GMA Integrated News..
“Operatives fired shots at alias Orly, who locked himself in a room he was renting with his family,” saad sa isang bahagi ng balitang lumabas Agosto 11.
Ayon kay Nartatez, nagtungo ang mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) sa Barangay Lumbang matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay tatlong taong target ng manhunt sa nakalipas na anim na buwan.
Partikular ni tinukoy ng NCRPO chief si Mendoza (na unang tinukoy lang sa alyas na Orly), at ang magkapatid na Dimaculangan na sina Israel at Edmon.
Pag-amin ni Nartatez, mga miyembro ng ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ang inatasa para isilbi ang warrant of arrest sa di umano’y “armed and dangerous” na suspek.
Pero sa halip na sumuko, pumalag di umano si Mendoza. Katunayan pa aniya, ginawa pang hostage ng suspek ang kanyang live-in partner at anak. Dito na ujmano nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng suspek at pulisya hanggang pumayag ang huli na pakawalan ang mag-ina bandang alas-4:00 ng umaga.
