KUNG pagbabatayan ang survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station, halos kalahati ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang naniniwalang sila kahirapan sa pagpasok ng taong 2024.
“Compared to December 2023, the percentage of poor families hardly changed from 47 percent,” saad sa isang bahagi ng ulat ng SWS kaugnay ng survey na isinagawa mula Marso 21 hanggang 25 ng kasalukuyang taon.
Pinakamataas ang bilang ng mga pamilyang kinapanayam ang naniniwalang lubos na naghirap sa Visayas na may 64%, habang kasunod naman ang Mindanao na nakapagtala ng 56%, Luzon may 38% at Metro Manila na 33%.
“As of March 2024, the percentage of Self-Rated Food-Poor families was highest in the Visayas at 46 percent, followed by Mindanao at 44%, Metro Manila at 28 percent, and Balance Luzon at 24 percent,” dagdag pa ng SWS.
