NI ROMEO ALLAN BUTUYAN II
NANINIWALA si ranking House official at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na ang mahusay na economic policy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang siyang dahilan sa naitang pagbaba ng ‘unemployment rate’ sa bansa.
“The President and his economic team, and their allies in Congress, principally the House of Representatives, are on the right track. The newest data indicated that the economy has created more than 200,000 jobs,” mariing pahayag ng Mindanoan solon, na siya ring chairman ng House Committee on Dangerous Drugs.
Ayon kay Barbers, ang pagbaba sa bilang ng mga walang trabaho sa bansa ay indikasyon na gumagana ang mga economic policy na ipinatupad ng administrasyong Marcos.
Ang pahayag ay bilang reaksyon ni Barbers sa inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan naitala ang unemployment rate sa 3.6 porsyento noong Nobyembre mula sa 4.2 porsyento noong Oktubre ng nakaraang taon na katumbas sa pagbaba sa 1.83 milyong Pilipino mula sa dating 2.09 milyon na walang mga trabaho.
Ani Barbers, ang pamumuhunan ang siyang nagtulak sa pagbubukas ng mga bagong mapapasukang trabaho at kabuhayan para sa mga Pilipino.
Kumpiyansa rin ang Surigao del Norte lawmaker na mas darami pa ang mapapasukang trabaho kung matutuloy ang isinususlong na pag-amyenda sa economic provision ng Konstitusyon para pumasok ang mas maraming dayuhang mamumuhunan.
“More foreign investments will mean more jobs, more economic activities and more income for our people,” giit pa niya.
Paliwanag ni Barbers, napipigilan ang pagpasok ng foreign capital sa bansa dahil may probisyon sa Saligang Batas na naglilimita sa mga negosyo na kanilang maaaring maging pagmamay-ari. Ang mga probisyong ito aniya ay hindi maaaring maamyendahan ng bagong batas kundi kailangang amyendahan ang Konstitusyon.
“That’s why constitutional amendments focused on the economic provisions are urgently needed,” tigas na sabi pa ng kongresista.
