Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
KAPWA ikinatuwa nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang resulta ng survey na muling pumukaw sa kagitingan ng 77 porsyento ng mga Pilipino.
Batay sa ‘Tugon ng Masa’ survey na pinangasiwaan ng Octa Research group, pumalo sa 77 porsyento ng mga Pilipino ang nagpahayag ng kahandaan ipaglaban ang bansa mula sa mga dayuhang kalaban.
“We are deeply moved and inspired by the overwhelming willingness of adult Filipinos to fight for our country,” ang malugod na pahayag pa ni Speaker Romualdez.
“This unwavering commitment to safeguarding our sovereignty and protecting our people is a testament to the indomitable spirit that lies within every Filipino,” dugtong ng lider ng Kamara.
Ayon kay Romualdez, ang pulso ng mamamayan ay patunay ng malalim na pagmamahal at katapatan ng mga Pilipinong inilarawan pa bilang “tunay na kahanga-hanga” sa larangan ng pagpapahalaga sa inang bayan.
“Their willingness to defend our country is a testament to their selflessness and love for our fellow citizens,” dagdag pa ng lider-kongresista.
Sa panig ni Barbers, pinuri naman ang pagpapamalas ng pito sa bawat sampung Filipino adults na depensahan ang bansa mula sa anumang sigalot na magaganap mula sa panghihimasok ng mga dayuhan sa teritoryo ng Pilipinas.
“The OCTA survey result is truly inspiring and reflects the deep patriotism and love for our country among Filipinos. It’s incredibly heartening to see such a high percentage of our fellow citizens, especially in my home island of Mindanao,’ sabi ng ranking House official.
Subalit naniniwala rin ang Mindanaoan lawmaker, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na ang Octa Research survey result ay naghahayag sa saloobin ng mayorya ng mga Pilipino laban sa patuloy na panunuwag ng China sa West Philippine Sea (WPS).
“Sa aking pananaw, karamihan sa ating kababayan ay galit na sa bansang China dahil sa mga pinaggagawa nila sa mga Pilipinong mangingisda at Philippine Coast Guard sailors sa West Philippine Sea,” ayon kay Barbers.
“Ang mga Pilipino ay tipikal na matimpiin. Pero pag tayo ay umabot na sa sukdulan ng pasensya, eh. Wag nyo kami maliitin. May kasabihan na maliit man ay nakakapuwing din,” dugtong pa niya.
Giit ni Barbers, sa pagkakataong ito, dapat din bantayan at kilalanin ang tinawag niyang “Makapili ng Bagong Panahon” na aniya’y nakikipagsabwatan sa China para sa sariling interes.
