
INATASAN ng state prosecutors si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na humarap sa Department of Justice (DOJ) para sa preliminary investigation na itinakda sa Miyerkoles at sa Disyembre 19 dahil sa umano’y pagpopondo sa terorismo.
Ayon sa subpoena na may petsang Nobyembre 14, isinmpa laban kay Teves ang financing terrorism under Section 4 of Republic Act (RA) 10168 o ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012, gayundin din ang RA 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.
“You are directed to file your counter-affidavit during the above-scheduled preliminary investigation,” ayon sa subpoena.
Sinabi ng abogado ni Teves na Ferdinand Topacio, na siya ang kakatawan kay Teves sa korte.
Patuloy na nagtatago si Teves, sinabing isang terorista, kasama ang 11 iba ng Anti-Terrorism Council noong Agosto dahil sa umano’y mga pagpatay at panggigipit sa Negros Oriental.
Si Teves ay sinabing nasa Timor-Leste at humihingi ng asylum ngunit tinanggihan ng Timor-Leste government.
Ang reklamo ay isinampa ng National Bureau of Investigation laban kay Teves at iba pa. Gayunman, ang subpoena ay ini-address kay Axl Teves, anak na lalaki ng dating kongresista.