TINIYAK ng mga kongresista sa Kamara na patuloy na igagalang ang pasya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng panawagan ideklarang “persona non grata” si Chinese Ambassador Jing Quan. Gayunpaman, nanindigan ni Bicol Saro partylist Rep. Terry Ridon na dapat puntiryahin ng gobyerno ang iba pang China Embassy personnel na patuloy na bumabatikos sa mga opisyal ng bansa. Ayon kay Ridon na tumatayong chairman ng House Committee on Public Accounts, kahit na pinatawag na ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Jing para magbigay-linaw sa hayagang pagbabanta, patuloy pa rin umano ang banat ng Chinese embassy. Partikular na tinukoy ni Ridon ang nasa likod ng social media accounts ng dayuhang embahada na siyang napo-post ng mga hindi katanggap-tanggap na pahayag laban sa mga opisyal ng pamahalaan. “Ang apela namin ay hindi na po palayasin ’yung Chinese ambassador. Ang apela namin at this point, option ng ating Pangulo, palayasin po ’yung mga lesser diplomats, particularly ito po nag-ooperate po ng social media account ng Chinese embassy sa Facebook, which incidentally is banned in China,” saad ng House panel head. “Again, despite ’yung pagkakaroon po ng pag-uusap kahapon, ’yung social media account ng Chinese embassy tuloy-tuloy pa rin po sa pag-atake sa ating pamahalaan, sa ating mga opisyal hanggang sa araw po na ito,” dagdag niya. Ani Ridon, hindi dapat pahintulutan ang Chinese embassy personnel na gamitin ang social media, kabilang ang Facebook para banatan ang mga opisyal ng Pilipinas. “Ano yun, parang trigger-happy sila mag-post dito dahil banned [ang Facebook] sa China?” Naninidigan naman si House Committee on Justice Chairperson Atty. Gerville Luistro na hindi dapat hinahayaan ng mga Pilipino pambubully ng mga dayuhang nanunuluyan lang sa Pilipinas. “We should not be victims of bullying in our own land. Victims na nga tayo ng violence in our own territory in the West Philippine Sea, magiging victims pa rin tayo ng bully ng envoy na naririto sa sarili nating territory,” pahayag ni Luistro. “I wish to be clear, we are advocating a peaceful avenue of addressing the conflict with China, but nevertheless, utterances like this must be addressed by the Philippine government,” dugtong niya. “Hindi dapat tayo ang binubully, sapagkat tayo ang taga-rito, pag-aari natin ang Pilipinas. We deserve the respect of the foreign envoys.” pahabolo ni Luistro. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mga complainant ni Sara, ubos na ang pasensya Nasabat na droga sa Laos, di tiyak na sa Pinas ibabagsak