TULAD ng inaasahan, tuluyan nang itinulak ng bagong talagang Kalihim ang balasahan matapos atasan magsumite ng courtesy resignation ang lahat ng Undersecretary at Assistant Secretary ng naturang ahensya.
Sa memorandum na nilagdaan ni Transportation Secretary Vince Dizon, hiniling ng bagong Kalihim ang kooperasyon ng mga opisyal para bigyang-daan ang reporma sa departamento – alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Giit ni Dizon, mandato ng Kalihim magsulong ng “reorganization” para sa mas mabisang implementasyon ng mga programa at proyekto ng gobyerno.
Usap-usapan din sa loob ng departamento ang pagbabalik ng ilang dating DOTr officials na itinalaga sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
