PUMALO na sa P15.8 trilyon ang pagkakautang ng Pilipinas sa iba’t-ibang international and local financial institutions, ayon mismo sa Bureau of Treasury (BTr).
Sa datos ng BTr, lumalabas na ang bawat Pinoy – kabilang ang mga bagong silang na sanggol ang obligadong magbayad ng halos P132,000 bayaran bilang kontribusyon sa pamahalaan.
Nang bumaba sa pwesto si dating Pangulo Rodrigo Duterte, nasa P12.79 trilyon na ang utang ng bansa – at nadagdagan pa ng P2.39 trilyon nang naluklok sa Palasyo si Ferdinand Marcos Jr.
Agad naman dinepensahan ng BTr ang administrasyong Marcos. Anila, tumataginting na P122.05 bilyon ang ginastos ng pamahalaan para lang bayaran ang interes sa mga utang noong Pebrero 2024.
Sumipa na din sa P10.58 trilyon angg domestic debt ng bansa. Nasa P414.51 bilyon ang nadagdag sa domestic debt noong Pebrero mula sa tinatawag na government securities o pangungutang ng BTr sa pamamagitan ng pag-isyu ng government bonds o treasury bills.
Nasa P4.6 trilyon naman utang sa mga international financial institutions.
Pagmamalaki ni BTr, bumaba ng P26 bilyon ang foreign debt mula sa P4.63 trilyong naitala noong Enero. Gayunpaman, ang pagbaba ng foreign debt ay bunnsod lang ng bahagyang paglakas ng piso kontra dolyar.
