KONTING ulan, suspendido agad ang klase sa mga paaralan? Hindi pwede yan, ayon kay Education Secretary Sonny Angara kasabay ng panawagan sa mga lokal na pamahalaan na maging maingat sa kapangyarihan.
Paglilinaw ni Angara, hindi inaalis sa mga punong ehekutibo ng mga lalawigan, lungsod at munisipalidad ang pagpapasya sa class suspension.
Gayunpaman, dapat aniyang balansehin ang kaligtasan gayundin ang epekto ng mahabang suspensyon ng klase sa mga mag-aaral.
“While caution is important, extended suspensions can disrupt learning and affect students’ development. Every decision should reflect both care for safety and commitment to learning continuity,” pahayag ng DepEd.
Mungkahi ng Kalihim sa mga lokal na pamahalaan, makipag-ugnayan sa Schools Division Offices para sa implementasyon ng alternative learning mode.
Hinikayat din ng kagawaran ang mga LGUs na suriin kung kailangan pa ang suspensyon ng klase upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng kaligtasan at tuloy-tuloy na edukasyon. (JIMMYLYN VELASCO)
