POSIBLENG maranasan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan ang matinding init sa antas na 50°C, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Sa datos ng state weather bureau, maglalaro sa 41°C ang heat index sa susunod na dalawang araw sa National Capital Region (NCR) habang posibleng pumalo sa sukdulang antas na 50°C sa ilang bahagi ng bansa pagsapit ng Abril hanggang Mayo. Marso 26 nang opisyal na deklara ng PAGASA ang pagpasok ng panahon ng tag-init. Gayunpaman, nilinaw ng PAGASA na makakaranas pa rin ng mga pag-ulan bunsod ng pagsasalubong ng mainit at malamig na hangin. (LILY REYES) Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation IMEE: DU30 ARREST PINAGPLANUHAN PAGKALAS NI SEN. IMEE, WA EPEK KAY DAYUNYOR