Oplus_131072
SA gitna ng kaliwa’t kanang reklamo mula sa mga residente at negosyante, hinikayat ng lokal na pamahalaan ang Provincial Mining and Regulatory Board at Mines and Geosciences Bureau na ipatigil ang mapaminsalang quarry operations sa lalawigan ng Quezon.
Sa isang panayam, partikular na tinukoy ni Infanta Mayor LA Ruanto ang epekto ng minahan sa mga lugar na binabaybay ng Agos River.
Hirit ni Ruanto sa Provincial Mining and Regulatory Board at Mines and Geosciences Bureau, moratorium sa quarry operation sa lalong madaling panahon.
Bukod sa alkalde, nanindigan din ang Sangguniang Bayan ng Infanta sa anyo ng dalawang resolusyong nagtutulak para sa pagbalangkas ng master dredging plan bago muling pahintulutan ang operasyon ng mga mining companies.
Para kay Ruanto, higit na matimbang ang interes ng publiko at mga lokal na negosyanteng labis na apektado ng mining activities malapit sailog.
Ayon sa alkalde, isinulong ang resolusyon dahil sa samut – sari ang natatanggap reklamong “technically ay labas sa jurisdiction namin.”
Sa naturang quarry operation marami umanong naapektuhan tulad ng enbankment ng ilog at ilang establisyemento, kaya’t napakahalaga aniyang magkaroon ng master dredging plan.
Sa kanila umano sa Infanta ay may mga lagusang nagsasara kaya sadyang kailangan ang dredging sa tamang proseso. (EDWIN MORENO)
