
PUMALO na sa 23 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa ipimalas na sabayang bagsik ng Habagat at Tropical Cyclones Ferdie, Gener, at Helen, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
Bukod sa mga binawian ng buhay, may 15 iba pa ang nawawala.
Sa datos ng NDRRMC, siyam ang namatay sa Mimaropa, tig-apat sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao, at dalawa sa Central Visayas.
Samantala, 12 sa mga nawawalang tao ang naiulat sa Mimaropa, dalawa sa Zamboanga Peninsula, at isa sa Western Visayas.
Ayon pa sa NDRRMC, 15 katao din ang naiulat na nasaktan dahil sa epekto ng sama ng panahon.
Nasa 1,061,421 katao (katumbas ng 298,633 pamilya) ang apektado mula sa Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at Cordillera.
Pinakamarami ang lubhang apektado sa Central Luzon na may 354,926 katao (katumbas ng 113,141 pamilya).
Sa kabuuang apektadong populasyon, nasa 69,360 indibidwal (katumbas ng 18,466 pamilya) ang nananatili sa loob ng mga evacuation center habang 61,123 katao (14,165 pamilya) ang nakasilong sa ibang lugar.
Umabot naman sa 1,243 na bahay ang nasira — 1,008 ang bahagyang at 235 ang kabuuan. Naiulat din ang pinsala sa imprastraktura na nagkakahalaga ng P2,401,500.