NIYANIG ng isang magnitude 5.3 tectonic earthquake ang baybayin bahagi ng Sultan Kudarat nitong araw ng Martes ng umaga, Enero 20, 2026.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol sa karagatan dakong alas 3:00 ng madaling araw.
Namataan ang sentro ng lindol sa 06.39°N, 123.69°E, humigit-kumulang 43 kilometro timog-kanluran ng Kalamansig.
Batay sa ulat ng Phivolcs, ang lindol ay may na lalim ng pokus na 10 kilometro.
Bagaman walang naiulat na pinsala sa imprastraktura, naramdaman ang lindol sa ilang lalawigan sa Mindanao sa pamamagitan ng mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity IV: Kalamansig, Sultan Kudarat.
Intensity III: Kiamba at Maitum, Sarangani; Santo Nino, T’Boli, Norala, Surallah, at Tupi, South Cotabato; Isulan, Sultan Kudarat.
Intensity II: M’lang, Cotabato; Lungsod ng Digos, Davao del Sur; Maasim, Malungon, at Alabel, Sarangani; Tampakan, Tantangan, at Banga, South Cotabato; Bagumbayan at Esperanza, Sultan Kudarat.
Intensity I: Sta. Maria, Davao Occidental; Malapatan, Sarangani; Columbio, Sultan Kudarat; Lungsod ng Zamboanga.
Panawagan ng Phivolcs sa mga residente ng Mindanao, manatiling alerto sa mga aftershocks. (LILY REYES)
