
CONSUELO de bobo. Ganito ang paglalarawan ng mga konsyumer sa anunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) hinggil sa 10 sentimong tapyas sa kada kilowatt hour na konsumo ng kuryente para sa buwan ng Hunyo.
Sa pagtataya ng Meralco, lumalabas na P22 ang inaasahang mababawas sa June consumption bill para sa mga pamilyang kumokonsumo lang ng 200 kWh.
Anila, parehong bumaba ang singil ng mga power supply agreement, independent power producer at sa wholesale electricity spot market. Gayunpaman, tumaas naman ang transmission charge ng National Grid Corp of the Philippines.
Giniit ng Meralco, hindi nagalaw ang distribution charge mula pa noong Agosto 2022. Maaalalang nagre-refund ang Meralco dahil sobra-sobra ang na¬singil nito sa mga consumer.
Kasalukuyang nirerebisa ng Energy Regulatory Commission ang sistema ng paniningil ng Meralco sa bagong regulatory period.