MASYADO na sigurong maliit ang kita sa pagpapautang ng 5-6, kaya pinasok ng dalawang bumbay ang kalakalan ng droga. Ang resulta – timbog sila sa Maynila.
Sa ulat ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG), arestado ang 50-anyos na si Rahid Rafique Pasha at 59-anyos na kaibigan na nakilala sa pangalang Akram Muhammad Faheem sa ikinasang buy-bust operation sa parking area ng isang hotel sa Malate, Maynila.
Sa ulat ng PNP-DEG, kumpiskado ang nasa 47 kilo ng ketamine powder na may katumbas na halagang P235 milyon.
Bukod sa ketamine powder, nasamsam din ng mga operatiba ang dalawang sasakyan – isang Toyota Fortuner, isang Morris Garage vehicle at ang maliit na maleta kung saan nakalagay ang P23-million boodle money na ginamit sa ng pulisya sa transaksyon.
Habang nasa kustodiya ng pulisya, tinangka pa di umano tumakas ni Faheem na agad naman nasukol sa hot pursuit operation.
Ang ketamine na karaniwang itinuturok sa mga kabayong nabalda sa karera, ay isang uri ng pampamanhid bago magsagawa ng operasyon.
