MATAPOS ang mahigit tatlong taon, bahagyang umusad ang kaso kaugnay ng pagpatay kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sa desisyon ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 40, pinatawan ng parusang pagkakulong sina Joric Garrido Labrador, Joven Calibjo Javier at Benjie Rodriguez.

Gayunpaman, ang hatol ay para sa ibang kasong kriminal na inihain sa husgado. 

Si Labrador ay sinentensiyahan ng walo hanggang 10 taong pagkakakulong dahil sa illegal possession of firearms and ammunitions, habang sina Javier at Rodriguez naman ay kapwa hinatulan ng reclusion perpetua dahil sa illegal possession of explosives.

Narekober sa tatlo ang isang .45 caliber pistol, dalawang magazine, 14 bala at dalawang hand grenade matapos ang pamamaril sa bahay ni Degamo sa Pamplona, Negros Oriental noong Marso 4, 2023.

Pinagtibay rin ng korte ang warrantless arrest sa tatlo matapos isaalang-alang ang magkakasunod na pangyayari mula sa pamamaril, pagsusuri sa CCTV at pagtugis sa mga getaway vehicle.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *