SA hangaring tiyakin walang bahid ng droga ang hanay ng kapulisan, isinalang kamakailan sa random drug test ang nasa 96 tauhan ng Quezon City Police District (QCPD).
Pagkatapos ng pagsusuri, lumabas ang resulta – negative sa paggamit ng droga ang mga isinailalim sa random drug test.
Ayon kay QCPD Director Col. Melecio Buslig, Jr., ang pagsasagawa ng random drug tests at alinsunod sa inisyatiba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) na tiyaking malinis sa anumang mga bisyo ang mga pulis.
Pag-amin ni Buslig, target niyang sipain sa hanay ang sinumang magpopositibo sa drug test.
“This random drug testing unequivocally shows our commitment to integrity and trustworthiness within the ranks. We shall aspire to embody the values of the PNP, and as members of the police organization, we should show that we are examples of accountability.” – Lily Reyes
