TINIYAK ng mga kongresistang opisyal ng ruling-party Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na suportado ng partido ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at at maging sa inklusibong kaunlaran tinutulak ng Bagong Pilipinas.
Bukod kay Marcos, binigyan din ng angkop na pagkilala nina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker Jay-Jay Suarez, at House Majority Leader Mannix Dalipe si Speaker Martin Romualdez sa anilay husay sa pamumuno sa hangaring itaguyod ang legislative agenda ng administrasyon ngayong taon.
Pinuri ng mga nabanggit na party stalwarts si Romualdez sa anila’y “strategic and decisive approach” sa pagsusulong ng mga kinakailangang repormang naglalayon paspasan ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa, mapaganda ang serbisyo ng gobyerno at itaas ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino.
Sinabi ng mga mambabatas na sa ilalim ng liderato ni Romualdez, nabuo ang matibay na pagkakaisa sa Kamara na nagbigay-daan sa paghahatid ng mga pro-people na panukala at tumugon sa development goals ng Marcos administration.
Ayon kay Gonzales, may mahalagang papel na ginagampanan si Romualdez sa likod ng record-breaking accomplishment ng kanilang kinaanibang institusyon, kasama ang pagpasa ng mga panukala na direktang makakatulong sa mga magsasaka, manggagawa, at maliliit na negosyante.
“Speaker Romualdez’s leadership has been the catalyst for the House’s unprecedented productivity, consistently driving results. His focus on inclusive growth and people-centered reforms demonstrates our collective commitment to improving the lives of every Filipino,” anang Pampanga lawmaker.
Sa panig ni Suarez, sinabi niyang ang pagpasa ng mga mahahalagang panukala sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, gaya ng Republic Act 12022 (Anti-Agricultural Economic Sabotage Act), ay malaking hakbang upang labanan ang agricultural smuggling, hoarding, profiteering, at kartel sa bisa ng parusang habambuhay na pagkabilanggo sa sandaling napatunayan nagkasala sa husgado.
Malaking bentahe rin anang kongresista mula sa lalawigan ng Quezon RA 12078 na nagpapalawig sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2031 at nagtataas sa taunang alokasyon para sa mga magsasaka sa P30 bilyon mula sa dating P10 bilyon.
“These measures, passed under Speaker Romualdez’s leadership, address long-standing issues in agriculture. They dismantle cartels, empower farmers, and ensure food security,” pagbibigay-diin ni Suarez.
Inihayag naman ni Dalipe na sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay naipasa ng Kamara ang 61 sa 64 na panukalang batas na tinukoy bilang prayoridad ni ng Pangulo at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
“Speaker Romualdez’s leadership shows what unity and focus can achieve. He has ensured that we pass forward-looking laws that make an immediate impact on millions of Filipinos,” deklarasyon ng kinatawan ng ikalawang distrito ng Zamboanga sa Kongreso.
Ipinaalala rin ng House majority leader ang kahalagahan ng patuloy na kolaborasyon ng mga mambabatas, mga ahensya ng gobyerno at iba pang stakeholders.
“The leadership of Speaker Romualdez has shown that transformative change is possible when we work together. Moving forward, the House will champion reforms that build a more inclusive and prosperous nation,” tahasang sabi pa ni Dalipe. (Romeo Allan Butuyan II)
