
SA ikatlong pagkakataon sa loob lang ng 90 araw, muling magpapataw ng dagdag-singil ang Meralco sa National Capital Region at mga karatig lalawigan sa labas ng kabisera.
Katwiran ng Meralco sa ikinasang dagdag-singil, pagtaas sa transmission charges.
Anila, ang power rates nitong buwan ay tumaas ng P0.1543 kada kilowatt hour (kWh), na nagtulak sa overall electricity rate sa P11.7882 per kWh mula sa dating P11.6339 per kWh noong Agosto.
Nangangahulugan anila ito na ang mga tahanang nakakonsumo ng 200 kWh kada buwan ay madaragdagan ng P31 na bayarin.